Metro Manila – Noong Nobyembre 1, 2020, nagtamo ng napakatinding pinsala mula sa bagyong Rolly ang Bicol. Maraming bahay at inprastraktura ang nasira mula sa malakas na ulan at hangin na nagdulot din ng malawakang pagbaha.

Kaya naman mabilis na umaksyon ang BFP para makapagpaabot ng tulong sa ating mga kababayan sa Guinobatan, Albay sa pamamagitan ng programa nitong “Lingap Bumbero” na isang relief mission. Personal na inihatid ni Director Jose S. Embang, Jr, Chief, BFP, kasama sina CSupt Gilbert D. Dolot, Regional Director, BFP NCR, at SSupt Renato B. Capuz, Regional Director, BFP Region 5, ang mga relief goods at tulong pinansyal noong Nobyembre 6, 2020.



(Director Jose S Embang,Jr,Chief , BFP habang namamahagi ng mva relief goods sa mamamayan)

Kasama sa mga ipinamahagi ang mga donasyong ng bawat fire district at fire station ng BFP NCR, tulad ng mga bottled water, instant noodles, biscuits at canned goods. Kanila ding binisita ang ground zero ng bagyong Rolly upang malaman ang aktwal na sitwasyon ng mga komunidad dito at makapagbigay ng gabay sa mga kapwa bumbero sa naturang rehiyon.


(Kaliwa sa kanan: Director Jose S Embang, Jr, Chief,BFP, CSupt Gilbert D Dolot,RD,BFP NCR, SSupt Roderick P Aguto,BFP NHQ)